Ang tanging payo ko lamang ay maging masaya ka para sa sarili mo at sa kung ano ang meron ka.
Alam ko na minsan ay mahirap maging masaya para sa iyong sarili dahil sa mga tao sa paligid mo. Yung iba, nakukuha nila ang mga kagustuhan nila, yung iba mga gwapo saka magaganda, yung iba kumpleto ang pamilya. Pero ang ating pinag dadaanan ay isang napaka laking blessing galing sa kaitaas taasan. Mahirap mang paniwalaan dahil sa mga pag pinag dadaanan pero ang mga pinagdadaanang mahihirap ay isang “lesson” dahil dun tayo matututong maging matatag at malakas.
Maging malakas ka kahit ano mang mangyari dahil hindi lang ikaw ang may pinag dadaanan. Mag isa ka man ngayon sa posisyon mo, meron kang kasabay na pareho ang pinag dadaanan. Mahal kita kahit sino ka man, pwede mo kong lapitan at makausap. Sabihin mo lang ang blog na ito saakin at kakausapin na kita. Ang main purpose ng blog na ito ay maging isang “call” sa mga taong nag hahanap ng makakausap at tulong. Nandidito lang ako para sayo.