Mga Kaibigan Ko Noon

Dati, pinapalibutan ko ang sarili ko ng mga taong magagaling at matatalino, mga taong masasabi mong hindi ko ka lebel. pero hindi ko alam na sila pala ang hihila saakin pababa.

Pinakinggan ko sila at sinundan ang kanilang mga dinaanan pero hindi ko alam na yun pala ang mag papahamak sakin. Naging idolo ko sila at pinilit kong maging katulad nila, nakisama ako sa mga kanilang tropahan saka sinubukan ko yung mga Gawain nila tulad ng, gumala kung saan saan kasama ang tropa, mga kanilang pananalita at iba pa.

Makalipas ang ilang taon, sila parin ang kasama ko pero natuto akong lumayo sakanila. Namulat ako sa katotohanan na hindi ko nga sila kapantay dahil kaya ko pang taasan sila. Hindi ako nag mamayabang pero yun ang totoo. Hinila nila ako pababa at nadating ako sa punto na lungkot na lungkot ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang katulad nila.

Natuto akong pumili ng tamang kaibigan at maging ako sa paraang natuklasan ko. Yun ay ang hindi ko pinoproblema ang tingin sakin ng ibang tao, naging masaya ako sa mga ginagawa ko at sa sarili ko dahil mas importante ang sarili ko sa sa sarili kong puso kaysa sa ibang tao. Natuto akong mahalin ang aking sarili bukod pa sa iba.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started