Alam kong Mahirap

Alam mahirap ang mga pang yayari ngayon pero matatapos din ang yan. Magiging mas malakas ka pag tapos ng problema mo ngayon. Mag dasal ka lang at mag pakatatag, ang buhay ay hindi puro sarap at relaxation. Meron din ups and downs ang buhay, kaya mag pakatatag ka lang.

Hindi ka iiwan ng panginoon at hindi kita iiwan. Lapitan mo lang ako mag bukas ng puso. Papakinggan kita.

Ang Payo ko para sa Lahat

Ang tanging payo ko lamang ay maging masaya ka para sa sarili mo at sa kung ano ang meron ka.

Alam ko na minsan ay mahirap maging masaya para sa iyong sarili dahil sa mga tao sa paligid mo. Yung iba, nakukuha nila ang mga kagustuhan nila, yung iba mga gwapo saka magaganda, yung iba kumpleto ang pamilya. Pero ang ating pinag dadaanan ay isang napaka laking blessing galing sa kaitaas taasan. Mahirap mang paniwalaan dahil sa mga pag pinag dadaanan pero ang mga pinagdadaanang mahihirap ay isang “lesson” dahil dun tayo matututong maging matatag at malakas.

Maging malakas ka kahit ano mang mangyari dahil hindi lang ikaw ang may pinag dadaanan. Mag isa ka man ngayon sa posisyon mo, meron kang kasabay na pareho ang pinag dadaanan. Mahal kita kahit sino ka man, pwede mo kong lapitan at makausap. Sabihin mo lang ang blog na ito saakin at kakausapin na kita. Ang main purpose ng blog na ito ay maging isang “call” sa mga taong nag hahanap ng makakausap at tulong. Nandidito lang ako para sayo.

Mga Kaibigan Ko Noon

Dati, pinapalibutan ko ang sarili ko ng mga taong magagaling at matatalino, mga taong masasabi mong hindi ko ka lebel. pero hindi ko alam na sila pala ang hihila saakin pababa.

Pinakinggan ko sila at sinundan ang kanilang mga dinaanan pero hindi ko alam na yun pala ang mag papahamak sakin. Naging idolo ko sila at pinilit kong maging katulad nila, nakisama ako sa mga kanilang tropahan saka sinubukan ko yung mga Gawain nila tulad ng, gumala kung saan saan kasama ang tropa, mga kanilang pananalita at iba pa.

Makalipas ang ilang taon, sila parin ang kasama ko pero natuto akong lumayo sakanila. Namulat ako sa katotohanan na hindi ko nga sila kapantay dahil kaya ko pang taasan sila. Hindi ako nag mamayabang pero yun ang totoo. Hinila nila ako pababa at nadating ako sa punto na lungkot na lungkot ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang katulad nila.

Natuto akong pumili ng tamang kaibigan at maging ako sa paraang natuklasan ko. Yun ay ang hindi ko pinoproblema ang tingin sakin ng ibang tao, naging masaya ako sa mga ginagawa ko at sa sarili ko dahil mas importante ang sarili ko sa sa sarili kong puso kaysa sa ibang tao. Natuto akong mahalin ang aking sarili bukod pa sa iba.

Design a site like this with WordPress.com
Get started